Posts

Showing posts from December, 2023

EPEKTO NG KOLONYALISMO SA MGA PILIPINO

Image
MGA EPEKTO NG KOLONYALISMO SA MGA PILIPINO Isinulat Ni Justine Kimberly Sendiong Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ilang beses na ring nasakop ng mga dayuhan ang bansang Pilipinas. Dahil sa mahabang panahon na nasakop ang ating bansa, marami sa ating mga kaugalian ang nabago o nadagdag. Dahil na din sa madalas na natin itong ginagawa, minsan ay hindi natin napapansin na mula ito sa mga dayuhang bansa. Tatalakayin ko sa blog na ito ang mga kaugalian na sa tingin ko ay dahil sa epekto ng kolonyalismo. KAUGALIAN Ang larawang ito ay kuha mula sa Google. Tayong mga Pilipino, likas sa atin ang pagiging marespeto at magalang, lalong-lalo na sa mga nakatatanda. Isa sa pinakasikat na pamamaraan ng pagpapakita natin ng paggalang ay ang pagmamano, madalas itong ginagawa kapag babati tayo sa mga nakakatanda, tulad na lamang ng ating mga lolo at lola. Nagmamano din tayo sa tuwing makikita natin ang ating mga ninong at ninang, ginagawa din ito s tuwing uuwi galing sa trabaho o kung saan man an

Kasuotan ng babae

Image
Kasuotan ng mga babae isinulat ni Corinne Zulueta Sa pag-usad ng panahon, hindi maikakaila ang malalim na impluwensya ng kolonyalismo sa pananamit ng mga babae sa Pilipinas. Sa unang bahagi ng kolonyal na pananakop, hinayaan ng mga lokal na kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang tradisyunal na pananamit. Ngunit, sa paglipas ng mga dekadang ito, naging patagilid ang pag-unlad ng moda sa bansa, na dala ng mga dayuhang nagdala ng kanilang sariling pananaw sa fashion.   https://images.app.goo.gl/tknnbrLHEve3HUyz8   Kagaya na rin saaking pananamit noong panahon na ako’y bata pa ay uso ang mga damit na pantalon,polo, at doll shoes ang pormahan na nakikita ko ay cool , ngunit pagkalipas ng panahon noong ako ay tumanda na ay nausuhan na ako ng iba’t ibang impluwensya ng pananamit. https://images.app.goo.gl/dNKnCfatvVpjSVhA9   Isang malinaw na halimbawa ng kolonyal na impluwensya sa pananamit ay ang pag-unlad ng terno at baro't saya. Ang mga ito, na noong una'y nagtataglay ng malalim n

Kalalakihan

Image
  Kalalakihan isinulat ni Corinne Zulueta  Sa isang mundo na patuloy na nag-iiba, ganun din ang pananaw sa kung ano ang ibig sabihin na maging isang tunay na lalaki. Sa loob ng maraming henerasyon, tinuruan ang mga lalaki na manatili sa ideya na ang pagpapakita ng emosyon ay isang palatandaan ng kahinaan. Ngunit para sa akin, kinikilala ang tunay na pagkalalaki ang lakas na taglay ng pagiging bukas sa kahinaan. https://images.app.goo.gl/uBJxmmiV3NU8TLpYA     At sa usapang mga relasyon - pamilya, kaibigan, o romantikong kasintahan - para sa akin ay kinakailangan nila maunawaan na ang tunay na lalaki ay may alam sa halaga ng komunikasyon, respeto, at pakikipagtulungan. Karamihan sa mga lalaki ngayon henerasyon ay kailangan nila mag pakita na sila ay matatag, at hindi umiiyak na kinakailangan nila maging malakas at hindi kailangan makaramdam ng pagkaka down sa sarili.  https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fsuperenlightme.com%2Fimg2%2Fz2713_1.jpg&tbnid=hmt-UMKLSAxzvM&ve

Kolonyalismo — "Mula Noon, Hanggang Ngayon"

Image
Mula Noon, Hanggang Ngayon Isinulat ni: Kyla Ababa Hindi siguro ako mali kung sasabihin kong , hindi maikakailang may parte sa atin bilang isang tao na ang bumuo ay impluwensya ng kolonyalismo . Sa mga pinipili nating bagay sa araw-araw, sa mga tinatangkilik natin, at higit sa lahat, kung saan natin hinahayaan ang mga sarili nating mahumaling. Isa na ako sa mga taong tinutukoy kong naimpluwensyahan ng kolonyalismo mula noong bata pa ako, hanggang ngayong may malay na ako at kaya ko ng gumawa ng mga desisyon para sa aking sarili. Noong bata ako, namulat ako sa mga palabas na katulad ng anime. Pinapalabas ito sa parehong TV channel ng GMA, ABS-CBN, at TV5 tuwing umaga't gabi. Inaabangan ko noon palagi ang Sailor Moon sa ABS sa umaga, at Fushigi Yuugi naman sa gabi kasama ang aking mga ate. Kasama rin ang Doraemon, Dragon Ball, at iba pang Western shows tulad ng SpongeBob SquarePants sa maraming pinapalabas dito galing sa ibang bansa. Hindi makakalimutan ang pagpapalit ng wikang Filip

EPEKTO NG KOLONYALISMO SA PILIPINAS

Image
Isinulat ni Eunice Lou G. Mercado Ang kolonyalismo ay may malalim at pangmatagalang epekto sa Pilipinas, lalo na dahil sa mahabang panahon ng pagiging kolonya ng bansa. Ang pag-aaral ng epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas ay maaaring isagawa mula sa pananaw ng kasaysayan, kultura, lipunan, at ekonomiya. Narito ang ilang aspeto kung paano nakaapekto ang kolonyalismo sa bansa:  1. Kultura Wika: Ang mga Espanyol ay nagdala ng kanilang sariling kultura at wika sa Pilipinas. Bagaman may ilang mga salita sa wikang Filipino na nagmula sa Espanyol, marami rin sa mga aspeto ng wikang Filipino ang naging bunga ng pangkat na Austronesian at iba't ibang kultura sa rehiyon.  Paniniwala: Ang kolonyalismo ay nagdulot ng pagtataglay ng mga bagong paniniwala, lalo na sa aspeto ng relihiyon. Ang Kristiyanismo, na itinatag ni Magellan noong 1521, ay naging malaking bahagi ng kultura ng Pilipinas.  Ang litrato na ito ay galing sa Facebook. 2. Lipunan Estruktura ng Lipunan: Ang mga Espanyol ay nagdala

MEN'S FASHION

Image
Isinulat ni Eunice Lou G. Mercado Sa pag-usbong ng modernong panahon, ating saksihan ang paglago at pagbabago ng men's fashion at estilo. Tunghayan ang makulay na mundo ng lalaki sa larangan ng fashion sa blog na ito — isang gabay para sa mga gustong maging makabago at mapanagot sa kanilang pagsusuot.  Kasaysayan ng Men's Fashion: Simulan natin ang paglalakbay sa kasaysayan ng fashion para sa mga lalaki. Alamin kung paano nabuo ang mga dati at kung paano ito nag- evolve sa kasalukuyan. 1.  Tradisyunal na Pananamit: Sinaunang Pilipino -  Local na materyales at tradisyunal na kasuotan tulad ng barong mahaba, nagtataglay ng kahulugan sa kultura at mayaman sa kasaysayan.  Tingnan pa ang ibang larawan  dito. 2. Kanluraninong Impluwensya: Panahon ng Kastila at Amerikano -  Europenyong disenyo, military-inspired fashion , at impluwensya ng western fashion sa pag-usbong ng men's fashion sa Pilipinas. Tingnan pa ang ibang larawan  dito. 3. Modernong Panahon: Kasalukuyang Posis

Kolonyalismo.

Image
Pagkain at kolonyalismo Bilang isang 21 taong gulang sa mundong ito, marami akong taong hinahangaan. Na sila ring halos parang alipin ng kolonyalismo. Yakap-yakap nila ang kultura ng mga dayuhan at atin din namang yinayakap pabalik. Usong-uso ngayon ang mga food vlogs o food reviews sa Tiktok, Youtube, Facebook at Instagram Reels. Samutsaring pagkain ang kanilang itinatampok ngunit mas lamang (sa mga napapanood ko) ang mga pagkaing hindi atin. Nariyan ang pag dayo nila sa mga samgyupan, ramen/noodle house, sushi bar, at marami pang iba. Para sa akin, ang pagkain ay isa sa pinaka malapit na paraan upang maranasan mo ang kultura ng iba. Kaya nga lang, may mga bagay kung saan masyado nating nilulunod ang sarili natin at nakakalimutang mayroon tayong sariling atin.  Kung ako nga rin ang tatanungin, bilang pagpapakatotoo, mas pipiliin ko ang samgyup kaysa adobo. Ito ang nakakalungkot na reyalidad ngayon.  Pananamit Pag dating naman sa pananamit, naniniwala akong sa modernong mundong ito, wa

KOLONYALISMO

Image
 Isinulat ni:  Christine Cassandra Leaño 1. Skincare      Sa totoo lang tayong mga pilipino ay hindi naman natin dati gawain ang mag skincare, pero noong nag pandemic ang daming nagpapakita at talaga namang patok na patok sa atin ang mga ilang produkto na nakikita natin sa social media . Kagaya ng mga apps na Tiktok, Shopee, Facebook atbp. Kaya naman ang iilan saatin ay talagang maraming sumubok na mag skincare dahil naimpluwensiyahan tayo ng medya upang bumili nang kanilang mga produkto. Kaya naman maraming nag glow-up eka nga nila dahil sa produkto nila. ang litrato na ito ay galing sa skincare brands . 2. Pananamit      Tayong mga Pilipino ay simple lang manamit, kayagaya nga ng sinabi ko na maraming nag bago simula noong mag pandemic. Dito na nauuso ang mga croptop na damit at yung mga iba nilang sinasabi na aesthetic outfit or estetik kung tawagin saaming mga Gen Z. Kaya naman karamihan sa mga Gen Z ngayon ay maraming naka croptop dahil maganda naman talaga ito sa mga kababaihan

Inspirational Books

Image
Isinulat ni Corinne Zulueta  Think and Grow Rich ni Napoleon Hill Ilan lamang ang mga aklat ang nag-iwan ng kahanga-hangang epekto sa karamihan tulad ng "Think and Grow Rich" ni Napoleon Hill. Inilathala noong 1937, na patuloy pa rin ang pagbibigay-inspirasyon at kapangyarihan ng nakalipas na klasikong ito sa mga tao ultimo sa aking nanay sa kanilang paghahanap ng tagumpay, kayamanan, at pag-unlad sa sarili. Binibigyang-diin ng "Think and Grow Rich" ang ating mga iniisip sa paghubog ng ating realidad. Sinasabi ni Hill na ang ating mga iniisip ay maaaring gamitin upang maipakita ang ating mga hangarin. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng positibong mentalidad at pag-visualize ng tagumpay, hinihikayat ang mga mambabasa na maniwala sa kanilang kakayahan na magtagumpay. Para saakin ang "Think and Grow Rich," maliwanag na lumalabas na ang mga prinsipyo ni Napoleon Hill ay hindi lamang isang gabay patungo sa tagumpay sa pinansya kundi isang plano para sa isang mas

BISEKSUWALIDAD

Image
    Isinulat ni: Christine Cassandra Leaño Ang bisexuality ay isang romantiko o sekswal na atraksyon o pag uugali sa parehong mga lalaki at babae, sa higit sa isang kasarian, o sa parehong mga tao ng parehong kasarian at iba't ibang kasarian. Maaari rin itong bigyang kahulugan upang isama ang romantiko o sekswal na atraksyon sa mga tao anuman ang kanilang kasarian o pagkakakilanlan ng kasarian, na kilala rin bilang pansexuality.      Dito ko natagpuan na may kakaiba sa aking sarili. Naalala ko noong ako'y nasa ika-anim na baitang ako (grade 6) dahil may ganap kami sa Ilagan City, Isabela yun ay isang  GSP  o tawaging GIRL SCOUT OF THE PHILIPPINES dahil iilan kaming napili bilang maging representa nang aming skwelahan. Fast forward  tayo, isang araw may mga bawat kaponan na tig iibang skwelahan yun ay hindi namin kakilala ang bawat isa, tapos may isang babaeng nakatagpo saakin na kinukulit niya ako na parang feeling close  siya saakin. Kasi yung oras na yun ay para bang kakilal

usapang babae mula sa isang 21 y/o

Image
 First mens !? Bilang isang babae, natural ang magkaroon ng buwanang dalaw. Kapag humantong na sa tamang edad ang isang batang babae, dadaanan ito sa kanyang unang buwanang dalaw. Dito ay may lalabas na dugo sa pribadong parte ng babae at kakailanganin ng magsuot ng napkin, tampon, o menstrual cups. Bago ka datnan, makakaramdam ka ng sakit sa iyong puson, magkakaroon ka ng tigyawat sa mukha o sa ibang pahagi ng iyong katawan.  Noong unang beses kong reglahin, hindi ko inaakala na biglaan ito. Basta lang akong nakaramdam ng pag sakit ng tiyan (puson) at bigla rin dumami ang aking tigyawat. Hindi pa kami dumadako sa bahaging ito sa aming Science class kaya sobra akong natakot at nagulat. Nang makita ko ang dugo sa salawal ko ay kinabahan ako. Sinubukan ko pang itago ito sa aking lola na nag aalaga sa akin no'ng mga panahon na iyon ngunit hindi ko na rin kinaya dahil lumakas ang daloy ng dugo.  Hanggang ngayon, syempre, dinadatnan pa rin ako. Masasabi kong hindi maganda ang mga naging