EPEKTO NG KOLONYALISMO SA MGA PILIPINO

MGA EPEKTO NG KOLONYALISMO SA MGA PILIPINO

Isinulat Ni Justine Kimberly Sendiong


Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ilang beses na ring nasakop ng mga dayuhan ang bansang Pilipinas. Dahil sa mahabang panahon na nasakop ang ating bansa, marami sa ating mga kaugalian ang nabago o nadagdag. Dahil na din sa madalas na natin itong ginagawa, minsan ay hindi natin napapansin na mula ito sa mga dayuhang bansa.

Tatalakayin ko sa blog na ito ang mga kaugalian na sa tingin ko ay dahil sa epekto ng kolonyalismo.


KAUGALIAN

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google.


Tayong mga Pilipino, likas sa atin ang pagiging marespeto at magalang, lalong-lalo na sa mga nakatatanda. Isa sa pinakasikat na pamamaraan ng pagpapakita natin ng paggalang ay ang pagmamano, madalas itong ginagawa kapag babati tayo sa mga nakakatanda, tulad na lamang ng ating mga lolo at lola. Nagmamano din tayo sa tuwing makikita natin ang ating mga ninong at ninang, ginagawa din ito s tuwing uuwi galing sa trabaho o kung saan man ang ating mga magulang. 

Pero sa panahon ngayon, hindi na masyadong ginagamit ang pagmamano, madalas ay ang ginagamit na pagbati na ay ang tinatawag na "beso", kung saan humahalik ang isang tao sa pisngi ng kaibigan o mga kamag-anak. Kahit ako man ay mas madalas na beso na din ang aking ginagamit sa pagbati sa mga kamag-anak kong nakatatanda, siguro ay dahil na din sa mga biruang ayaw magpamano ng mga nakatatanda sa aming pamilya dahil hindi pa daw sila ganoon katanda. Dahil na rin ayaw ko naman maka-offend nang kahit na sino sa aming pamilya kung kaya beso na talaga ang aking ginagawa pangbati kahit sa aking mga lolo at lola.


KASUOTAN

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google.


Tayong mga Pilipino, likas sa atin ang maging konserbatibo, sa pananalita, sa kilos, at mas lalong-lalo na sa pananamit. Ang tawag nga sa isang Pilipina ay "Maria Clara", patungkol ito sa mga babaeng mahinhin kung kumilos, madalas na mahahaba ang suot at hindi tumatawa ng malakas. Namulat din kasi ang mga Pilipino sa konserbatibong kaisipan kung kaya mabilis para sa nga matatanda na husgahan ang mga kabataan sa ngayon dahil sa uri ng kasuotan na isinusuot natin sa panahon ngayon.

Kung dati kasi at mahahabang baro at saya ang suot ng mga kababaihan, ngayon ay nauso na ang pagsusuot ng maiikli at hakab sa katawan. Usong-uso sa ngayon ang mga seksing damit na madalas makita sa western country sapagkat sila ay hindi konserbatibo. Dahil sa napapadalas na din sa Pilipinas ang mga pelikulang gawa sa Amerika ay hindi maiiwasan na gayahin ng mga Pilipino ang uri ng pananamit nila. Maiiksing damit at palda/short ang madalas na makikita sa kabataan kung kaya dito na din pumapasok ang isyu na nababastos ang isang tao dahil s uri ng pananamit nito.

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google.


Para sa akin ay wala naman sa pananamit kung bakit nababastos ang iba sa atin, madalas kasi ang mga taong nambabastos ay mayroong malalaswang pag-iisip, kung kaya tingin nila ay ginugusto ng iba na mabastos. Kahit ako man ay nagsusuot din ng mga maiiksing kasuotan, ngunit sinisiguro ko na ako ay komportable, minsan din iniisip ko na magsuot ng maiksing pang-ibaba sapagkat gusto ko na makakilos ng maayos kung sakaling kakailanganin kong tumakbo dahil sa mga posibleng panganib sa daan.


MUSIKA

Ang larawang ito kuha mula sa Google.


Kung inyong mapapansin, ang mga sinaunang kanta ay madalas na mayroong mga malalamyus na himig, ang bawat liriko ay makahulugan. Sa bawat kanta ay mararamdaman mo ang mensahing nais iparating ng composer ng awit na iyon. Mayroon din namang mga rock na kanta na gawa ng mga Pilipino, gayunpaman ay makahulugan din ang bawat salitang ginamit sa mga kantang iyon na tiyak na nakaka-relate ang iba sa atin. Kung sa rap naman ay hindi din tayo pahuhuli, nandiyan sila Francis Magalona at Gloc-9 na mga batikang rapper sa Pinas na talaga namang mayroong magagandang kanta. 

Sa henerayong mayroon naman tayo sa ngayon, halos lahat sa mga lumalabas na kanta, lalong-lalo na ang mga rap, ay mayroong mga malalaswang liriko, na nakagugulat man ay kinakanta na rin ng mga bata. Magaganda pa rin naman ang mga awiting lumalabas sa ngayon, ngunit ang iba kasi dito ay mga wala namang ibig sabihin bagkus ay puro kalaswaan lamang ang mga salita na maririnig dito. Nakakalungkot lang din dahil hindi naman maiwasan na mapakinggan ito ng mga kabataan dahil kahit saan ka man maglakbay sa Pilipinas ay talaga namang makaririnig ka ng musika. Nakakaapekto ang mga liriko ng musikang ito sapagkat maagang namumulat ang isipan ng mgakabataan dahil na rin sa kantang kanilang naririnig at inaawit.

Comments

Popular posts from this blog

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

SciFi Genre