KOLONYALISMO

 Isinulat ni: Christine Cassandra Leaño


1. Skincare

    Sa totoo lang tayong mga pilipino ay hindi naman natin dati gawain ang mag skincare, pero noong nag pandemic ang daming nagpapakita at talaga namang patok na patok sa atin ang mga ilang produkto na nakikita natin sa social media. Kagaya ng mga apps na Tiktok, Shopee, Facebook atbp. Kaya naman ang iilan saatin ay talagang maraming sumubok na mag skincare dahil naimpluwensiyahan tayo ng medya upang bumili nang kanilang mga produkto. Kaya naman maraming nag glow-up eka nga nila dahil sa produkto nila.


ang litrato na ito ay galing sa skincare brands.



2. Pananamit

    Tayong mga Pilipino ay simple lang manamit, kayagaya nga ng sinabi ko na maraming nag bago simula noong mag pandemic. Dito na nauuso ang mga croptop na damit at yung mga iba nilang sinasabi na aesthetic outfit or estetik kung tawagin saaming mga Gen Z. Kaya naman karamihan sa mga Gen Z ngayon ay maraming naka croptop dahil maganda naman talaga ito sa mga kababaihan kaya marami ring nahikayat ang mga iba upang bumili ng ganitong damit.


ang link na ito ay nakuha sa feclothing.


3. Pagkain

    Ang mga Pilipino ay mahilig tumikim ng iba't ibang pagkain lalo na't naiimpluwensiyahan tayo ng mga taga ibang bansa, ang mang gaya ng mga putahe nila kaya naman maraming restaurants ang mga ginaya ng taga rito saatin dahil nga gusto natin makatikim ng mga pagkaing ibang bansa. Hindi na natin kailangan pumunta sa ibang bansa para lang tikman ang mga pagkain nila kaya naman gumawa na sila nang paraan kahit na papaano ay matikman parin natin ang pagkain ng ibang bansa.


ang litrato na ito ay nakuha ko sa monte san vito.


4. Produkto

Ang mga ibang Pilipino ay maraming naiimpluwensiyahan na bumili nang kung ano-anong produkto gaya na lamang ng Iphone. Sa panahon natin ngayon ay ito yung nauusong selpon dahil maganda raw ang kamera nito. Kaya naman sa sobrang ganda nitong selpon na ito ay maraming mga influencers, mayayaman at yung mga may kaya lang ang mga nakakabili nito. Pa swertehan nalang kung sinong mga influencers ang magpapa giveaway sa mga tao.


ang litratong ito ay galing sa apple's.



Comments

Popular posts from this blog

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

SciFi Genre