BISEKSUWALIDAD
Isinulat ni: Christine Cassandra Leaño
Ang bisexuality ay isang romantiko o sekswal na atraksyon o pag uugali sa parehong mga lalaki at babae, sa higit sa isang kasarian, o sa parehong mga tao ng parehong kasarian at iba't ibang kasarian. Maaari rin itong bigyang kahulugan upang isama ang romantiko o sekswal na atraksyon sa mga tao anuman ang kanilang kasarian o pagkakakilanlan ng kasarian, na kilala rin bilang pansexuality.
Dito ko natagpuan na may kakaiba sa aking sarili. Naalala ko noong ako'y nasa ika-anim na baitang ako (grade 6) dahil may ganap kami sa Ilagan City, Isabela yun ay isang GSP o tawaging GIRL SCOUT OF THE PHILIPPINES dahil iilan kaming napili bilang maging representa nang aming skwelahan. Fast forward tayo, isang araw may mga bawat kaponan na tig iibang skwelahan yun ay hindi namin kakilala ang bawat isa, tapos may isang babaeng nakatagpo saakin na kinukulit niya ako na parang feeling close siya saakin. Kasi yung oras na yun ay para bang kakilala niya ako. Pero noong pagkatapos na yung aktibiti na iyon ay hindi na siya nawala sa isip ko, kaya naman sinabi ko sa mga ka-klase ko at kwinento ko sakanila kung anong nangyari sa araw na yun. Kaya kinabukasan ay naging kaponan ko parin siya, sobrang napaka daldal niya saakin kaya parang na attract ako sakanya kasi hindi ko rin naman maitatanggi na maganda siya. Fast forward nagpaalam na kami sa isat isa kasi uuwi na kami ng Jones. Hindi ko man lang natanong sakanya kung anong pangalan niya, kaya umuwi akong dismayado noon. Noong pagka-uwi ko sa bahay gulong gulo ako kung bakit ganun ang nararamdaman ko sa babae ang daming katanungan sa aking isipan kung normal lang ba iyon o hindi.
Kaya naman hindi ko inaasahan na kami ulit ang napili para maging representatib ng aming swkelahan at kami ang makipag GSP sa Ilagan. Ayun na nga nagkita ulit kami doon kaya sobrang saya ko nung araw na iyon kasi akala ko hindi ko na siya makikita. Kaya naman doon ko napag tanto na nagkakagusto ako sa isang babae dahil nga na a-attract ako sa kapwa ko babae.
Masaya naman ako na naging parte parin siya nang buhay ko kasi sakanya nagsimula ang lahat kung bakit ako na bibighani at hinahangaan ang mga ibang babae.
Itong sumunod naman ay nakilala ko siya bago ako mag grade 7 bali nakilala ko ito noong nasa ika-anim na baitang ako, sa pinsan ko siya nakilala kaya naman doon na nagsimula ang pagiging bading ko! Doon ko na nga talaga nakumpirma na nabibighani ako sa mga kapwa ko babae.
Noong nasa ika-pitong baitang na ako ay andami nang nangyari, umaasta kami na para bang kami pero hindi. Naging kami noong nasa ika-walong baitang ako, sobrang saya ko kasi doon ko nasabi na naiinlove na ako sa babae. Kaya naman ang pakiramdam ko noong mga panahon na iyon ay sobrang nakakamanghana kasi nga ganun pala ang mainlove sa isang babae.
Comments
Post a Comment