usapang babae mula sa isang 21 y/o

 First mens!?

Bilang isang babae, natural ang magkaroon ng buwanang dalaw. Kapag humantong na sa tamang edad ang isang batang babae, dadaanan ito sa kanyang unang buwanang dalaw. Dito ay may lalabas na dugo sa pribadong parte ng babae at kakailanganin ng magsuot ng napkin, tampon, o menstrual cups. Bago ka datnan, makakaramdam ka ng sakit sa iyong puson, magkakaroon ka ng tigyawat sa mukha o sa ibang pahagi ng iyong katawan. 

Noong unang beses kong reglahin, hindi ko inaakala na biglaan ito. Basta lang akong nakaramdam ng pag sakit ng tiyan (puson) at bigla rin dumami ang aking tigyawat. Hindi pa kami dumadako sa bahaging ito sa aming Science class kaya sobra akong natakot at nagulat. Nang makita ko ang dugo sa salawal ko ay kinabahan ako. Sinubukan ko pang itago ito sa aking lola na nag aalaga sa akin no'ng mga panahon na iyon ngunit hindi ko na rin kinaya dahil lumakas ang daloy ng dugo. 

Hanggang ngayon, syempre, dinadatnan pa rin ako. Masasabi kong hindi maganda ang mga naging karanasan ko. Nakaranas ako ng matinding pananakit ng puson. Sa sobrang sakit ng puson ko ay halos manlamig at mamanhid ang buong katawan ko. Nagkaroon din ako ng maraming tigyawat na maski hanggang ngayon ay mayroon ako. Marami na rin akong natagusan na short, kumot, at bed sheet. Pero, lahat ng ito ay normal bilang isang babae. 


Makeup kit/routine

Noong ako ay nag simulang mag dalaga, nawala ang pagkahilig ko sa kulay pink, at iba pang pastel na mga kulay. Nalayo rin ang loob ko sa mga cute at mga kikay na palda o sunday dresses. Hindi rin ako nahilig sa makeup o ano mang klase ng inilalagay sa mukha. Ngunit ngayon, tuwing dumadaan ako sa Watsons ay hindi maaring hindi ako tumingin sa makeup isle. Nakakatuwa rin at dahil sa aking munting talento sa pag da-drawing ay mabilis akong natutong mag makeup. Ang saya rin bilang isang tourism student na mag ayos at mag makeup dahil masayang tignan na malinis ang mukha ko. 

Karaniwan akong gumagamit ng brown eye shadow na bagay sa aking kutis, red lipstick, lipgloss, concealer, water proof mascara, at kaunting blush. 'Yan lamang ang mga ginagamit ko para sa aking everyday makeup look. Napaka dali nitong makita sa makeup section at maaari mo itong mabili sa shopee o sa Watsons at sa kahit anong makeuo stores. 


Usapang damit! 

Sa usapang damit naman, hindi ako magaling pag dating sa pag istilo. Palagi lang din akong kumukuha ng inspirasyon sa Pinterest at ngayon, sa Tiktok. Ang pag susuot ng maganda at presentable para sa akin ay isang paraan ko upang ipaalam sa sarili ko na mahal ko ang katawan ko. Gusto kong maayos kong makikita ang sarili ko hindi para sa mata ng iba ngunit para sa sarili ko lamang. 

Napakarami ring bagong damit nag nauuso ngayon. Isang malaking impluwensya sa pananamit si Jennie Kim ng BlackPink. Lahat ng suot niya ay sinusubukang gayahin ng nakararami. Dumaragsa rin ang mga "dupe" o cheap version ng isang high-end brand. Isa ako sa maraming kababaihan na bumibili sa shopee ng mga gano'ng klaseng damit. Para sa akin, ang mga damit sa shopee ay hindi gaano bukas para sa plus size na kababaihan. Ang mga binebentang damit sa shopee ay nasa murang halaga ngunit pang small-medium lamang. 


Usapang Nails! 

Ang pagkakaroon ng mahabang kuko na nasa maayos at malinis na lagay ay indikasyon ko na "dalaga" na ang isang babae. Plus points kung ito ay makulay. Dagdag pa, itinuturing ko ring accessory ang pagkakaroon ng fancy nails. Hindi ko lubos isipin na ngayong taon ay mag tatayo ako ng business na ang highlight ay ang gumawa ng nail art. 

Lumaki akong palaging sagad kung gupitin ang mga kuko ko. Dahil din nag gigitara ako noon, mahalagang wakang sagabal na mahabang kuko. Ngunit ngayon na mas marami ang oras para alagaan at pagandahin ko ang sarili ko, naisipan kong pahabain ang kuko ko at mag lagay ng regular gel polish. Hanggang sa natuto akong mag lagay ng gel polish at nag invest na rin ako sa marami at mas propesyonal na gamit kaya nagawa ko itong business. 

Ngayong 2023, pinagmamalaki ko ang negosyo ko - Coated by R. Dito, masaya akong pagandahin ang kuko ng mga babaeng nahihiya sa hitsura ng kanilang kamay at daliri. Masaya rin akong satisfied sila tuwing pagkatapos ng aming session. Masaya ring lumikha ng mga desenyong hindi ko akalain na kaya ko pa lang gawin. 

Sana ay marami pa akong kababaihan na makilala sa industriyang ito at makatulong upang pataasin ang kanilang confidence. 






















Comments

Popular posts from this blog

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

SciFi Genre