Kolonyalismo.
Pagkain at kolonyalismo
Bilang isang 21 taong gulang sa mundong ito, marami akong taong hinahangaan. Na sila ring halos parang alipin ng kolonyalismo. Yakap-yakap nila ang kultura ng mga dayuhan at atin din namang yinayakap pabalik. Usong-uso ngayon ang mga food vlogs o food reviews sa Tiktok, Youtube, Facebook at Instagram Reels. Samutsaring pagkain ang kanilang itinatampok ngunit mas lamang (sa mga napapanood ko) ang mga pagkaing hindi atin. Nariyan ang pag dayo nila sa mga samgyupan, ramen/noodle house, sushi bar, at marami pang iba. Para sa akin, ang pagkain ay isa sa pinaka malapit na paraan upang maranasan mo ang kultura ng iba. Kaya nga lang, may mga bagay kung saan masyado nating nilulunod ang sarili natin at nakakalimutang mayroon tayong sariling atin.
Kung ako nga rin ang tatanungin, bilang pagpapakatotoo, mas pipiliin ko ang samgyup kaysa adobo. Ito ang nakakalungkot na reyalidad ngayon.
Pananamit
Musika
Ugali
Maraming Pilipino ngayon na ang ugali ay parang hindi Pilipino. May mga batang hindi marunong mag-kamay kung kumain, mag mano, o gumamit ng po at opo. Lahat ng ito ay nangyari dahil may mga aspeto ng dayuhan kultura na naging bahagi ng modernong pananaw ng mga Pilipino. Kasama na rito ang paraan ng pananalita, pananamit, at iba pang mga kaugalian. Sa kabilang banda, ang proseso ng pagpapalaya mula sa pananakop ay nagbigay-daan sa pagpapalakas ng pambansang identidad at pagpapahalaga sa sariling kultura ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, nakikita ang halong impluwensya ng dayuhan at pambansang kultura sa pananaw ng mga Pilipino, na naglalarawan ng isang malawak at mayaman na kolektibong pagkakakilanlan.
Comments
Post a Comment