Posts

Showing posts from November, 2023

WATTPAD

Image
  Isinulat ni: Christine Cassandra Leaño      Ang Wattpad ay isang libreng online platform na nagbibigay daan sa mga gumagamit na basahin at mag publish ng mga orihinal na kuwento. Ang Wattpad ay may mga kuwento na magagamit sa higit sa 50 mga wika, at halos 300,000 mga manunulat mula sa 35 mga bansa ay nakikibahagi bawat taon sa pinakamalaking kumpetisyon sa pagsulat, Ang Watty Awards. Ang ilan sa mga kuwentong ito ay ginawang mga drama at pelikula sa TV; halimbawa nito ay ang After at The Kissing Booth.      Noong Enero 2021, inihayag ng Naver Corporation na kukuha ito ng Wattpad; ang deal ay natapos noong Mayo 2021. Bilang ng Nobyembre 2021, ang Wattpad ay may buwanang madla ng higit sa 90 milyong mga gumagamit, na maaaring direktang makipag ugnayan sa mga manunulat at ibahagi ang kanilang mga opinyon sa kapwa mambabasa. 1. He's into Her Ang He's Into Her ay isang Philippine teen romantic comedy teleserye na batay sa nobelang 2012 na may parehong pangalan ni Maxinejiji (Maxi

Mga Paborito Kong Babasahing Pambata Noon!

Image
  Cora Cooks Pancit  Isa ang Cora Cooks Pancit sa mga babasahing pambata na kinagisnan ko. Ang librong ito ay isinulat ni Dorina Gilmore at inilabas taong 2009.  Una ko itong nabasa noong ako ay nasa ika-limang baitang habang nasa library ng aking paaralan noon. Habang binabasa ko ang librong ito noon, naaalala ko ang aking lola na siyang tagapag luto ng pamilya. Palagi siyang abala sa kusina araw araw lalo na tuwing may okasyon. Kahit hindi ako nahilig o nagkaro'n ng interes sa pag luluto noon, ay  palagi ko siyang sinisilip. Kagaya kay Cora, pambatang gawain lamang ang pinapayagan ng aking lola sa kusina. Dahil ayaw niyang magulo ang kanyang trabaho no'n. Tinutukoy din sa kwentong ito ang kultura ng Pilipino pag dating sa pagkain at ang ugali ng mga Pinoy pag dating sa hapag kainan. Gustong-gusto ko ring titigan ang mga ilustrasyon na gawa ni Kristi Valiant na siyang tinititigan ko nang matagal noon.  Ang Pambihirang Sombrero Ang kwentong Ang Pambihirang Sombrero naman ay isa

SocMed AU?!

Image
Ang panibagong anyo ng FanFiction—SocMed AU o "Social Media Alternate Universe" Isinulat ni: Kyla Ababa Nakakita ka na ba sa Facebook o sa Twitter ng isang babasahin kung saan ito ay nasa anyong text o chat, at ang mga bida roon ay  fictional characters  na galing sa isang libro o palabas? Kung hindi ka pamilyar doon, iyon ay tinatawag na "SocMed AU" na isinusulat ng mga tagasubaybay ng isang partikular na uri ng media na nabanggit. Ang mga ito na gawa ng mga Pilipino ay tinatawag na "Filo (pinaikling "Filipino) SocMed AU." Talagang napakatataba ng mga isip natin at nagawan pa natin ng iba pang istorya ang buhay ng isang hindi-makatotohanang karakter. Ang ganitong klase ng babasahin—sapagkat ito ay maikli lamang at kayang-kayang tapusin sa isang upuan tulad ng maikling kwento—ang napaili kong i -feature  sa blog na ito dahil ito ay sikat, partikular na sa Twitter , at isa na ako sa mga mambabasang tuwang-tuwa dito. Ayon nga sa bokabularyo ng henerasyo

ROMANCE

Image
 Isinulat ni: Christine Cassandra  Leaño 1. Just the 3 of Us           A ng Just the 3 of Us ay isang 2016 Philippine romantic comedy-drama film na idinerek ni Cathy Garcia Molina na may script na binuo at isinulat ng collaboration nina Kiko Abrillo, Gillian Ebreo, Katherine Labayen, at Vanessa R. Valdez, at ginawa ng ABS-CBN mga Produksion ng Pelikula. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, kasama ang special participation ni Richard Yap. Ito ay ipinalabas noong Mayo 4, 2016, sa ilalim ng Stae Cinema.           Ang pelikula ay nagmamarka ng unang proyekto ng pelikula nina Cruz at Mercado na magkasama. Sa Just the 3 of Us, si Jennylyn ay gumaganap bilang isang flight stewaedees na labis na nahuhumaling sa isang piloto na ginampanan ni John Llyoyd. Ang litrato na ito ay galing sa  lMDb . 2. Hello Love Goodbye      Ang Hello Love Goodbye ay isang 2019 Philippine Romantic drama film na ginawa at ipinamahagi ng Star Cinema. Directed by Cathy Garcia-Molina

MGA PABORITONG KONG PALABAS (drama)

Image
 Isinulat ni Eunice Lou G. Mercado 1. Miracle in Cell No. 7        Ang Miracle in Cell No. 7 ay isang 2019 Filipino drama film na idinirek ni Nuel Crisostomo Naval at pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bela Padilla. Ang pelikula ay batay sa 2013 South Korean na pelikula na may parehong pangalan sa direksyon ni LeeHwan-kyung . Ang drama ay umiikot kay Lito (Aga Muhlach) , isang lalaking may problema sa pag-iisip na maling inakusahan ng pagpatay sa anak ni Secretary Yulo (Tirso Cruz III) gayundin sa pagtatangka nitong mapanatili ang relasyon sa sarili nitong anak na si Yesha (Xia Vigor) sa tulong ng kanyang mga kasamahan.       Ire-rate ko ang Filipino adaptation ng Miracle in Cell No. 7 bilang 10/10. Talagang nagustuhan ko ang kanilang taos-pusong pagsasalaysay, mahusay na paggamit ng nakakatawang katatawanan, masiglang karakter, at mga  cast na nagbigay ng nakakaantig na pagtatanghal. Ang mga eksena sa adaptasyon ay hindi masyadong naiiba sa orihinal na pelikula; ang diyalogo ay isi

COMEDY MOVIES

Image
  MGA PELIKULANG KOMEDYA Isinulat Ni: Justine Sendiong Hindi naman makakaila na tayong mga Pinoy ay lubhang mahilig sa mga pelikulang katatawanan, mapa-lokal man o internasyunal. Maging ako man ay masasabi kong lumaki akong nanonood na nang mga komedya kung kaya hanggang ngayon ay nakahiligan ko na ito. Naging bonding na din kasi ng pamilya namin ang panonood kung kaya isa sa mga paborito namin ay ang nakatatawang nga palabas lalo na kapag may mga kasama kaming mga bata sa panonood. Tatalakayin ko sa blog na ito ang mga pelikulang katatawanan na talaga namang tumatak sa akin, maari ito ay lokal o internasyunal na palabas. Ang litratong ito ay kuha mula sa Official Facebook page ng ABS-CBN Film Production Inc. (Start Cinema)  GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY (2013)      Ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay isang pelikulang katatawanan na ang direktor ay si Direk Wenn V. Deramas, na pinagbidahan ni Vice Ganda , kasama sina Maricel Soriano at Joey Marquez . Umiikot ang kwento nito sa apat na magkak

Horror

Image
  Mga Nakakatakot na Palabas na Isinulat ni Corinne Zulueta. Segunda Mano https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.imdb.com%2Ftitle%2Ftt2118720%2F&psig=AOvVaw3iFdnnfh6mEwJAiR3T6C8j&ust=1700485548811000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBIQjRxqFwoTCMCY5rqQ0IIDFQAAAAAdAAAAABAR   Segunda Mano o sa ingles ay Second Hand, kilala ang pelikula na ito na Horror. Gumanap dito si Kris Aquino bilang si Mabel, dalawampung taon  nararamdaman pa rin ni Mabel, isang seller  ng antik o ukay, si Adela (Helen Gamboa), ang kanyang ina, ay patuloy pa rin sinisisi si Mabel sa pagkawala ng kanyang batang kapatid na si Marie, na hindi natagpuan sa dagat dahil patuloy na nakikipag-usap si Adela sa mga medium para makausap ito. Bagaman simple ang hitsura, nanalo si Mabel ng pag-ibig ni Ivan (Dingdong Dantes) na nagsasabing iniwan siya ng kanyang asawang si Mariela (Angelica Panganiban) kasama ang kanilang anak na si Angela. Ngunit tinatanggihan ni Angela si Mabel

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

Image
PSYCHOLOGICAL MOVIES - 3 International, 1 Local   Isunulat ni: Kyla Ababa      Isa ako sa mga taong—kung mayroon man — hindi sobrang nae- enjoy ang panonood ng mga pelikula, mapalokal man ito o international . Ang hilig ko lamang na panoorin ay anime , o 'di kaya nama'y donghua (isang palabas na tulad sa anime ngunit sa bansang China nagmula). Sa kabila nito, sa blog na ito ay magbabahagi ako ng apat na pelikulang nasiyahan akong panoorin dahil sa genre nitong psychological . 1. GERALD'S GAME     Magsisimula ako sa isang international film na inilabas noong 2017. Ang pamagat nito ay "Gerald's Game," at mapapanood ito sa Netflix . Tungkol ito sa mag-asawang pumunta sa isang rest house at doon sinubukan ayusin ang kanilang relasyon matapos maging emotionally distant mula sa isa't isa. Nagsimula ang suliranin nang may nangyaring masama sa dalawang mag-asawa, lalo na sa babaeng si Jessie na nag- trigger sa kanyang trauma na nakuha noong bata pa siya.