Horror

 

Mga Nakakatakot na Palabas na Isinulat ni Corinne Zulueta.


Segunda Mano


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.imdb.com%2Ftitle%2Ftt2118720%2F&psig=AOvVaw3iFdnnfh6mEwJAiR3T6C8j&ust=1700485548811000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBIQjRxqFwoTCMCY5rqQ0IIDFQAAAAAdAAAAABAR 


Segunda Mano o sa ingles ay Second Hand, kilala ang pelikula na ito na Horror. Gumanap dito si Kris Aquino bilang si Mabel, dalawampung taon  nararamdaman pa rin ni Mabel, isang seller  ng antik o ukay, si Adela (Helen Gamboa), ang kanyang ina, ay patuloy pa rin sinisisi si Mabel sa pagkawala ng kanyang batang kapatid na si Marie, na hindi natagpuan sa dagat dahil patuloy na nakikipag-usap si Adela sa mga medium para makausap ito. Bagaman simple ang hitsura, nanalo si Mabel ng pag-ibig ni Ivan (Dingdong Dantes) na nagsasabing iniwan siya ng kanyang asawang si Mariela (Angelica Panganiban) kasama ang kanilang anak na si Angela. Ngunit tinatanggihan ni Angela si Mabel at kinukutya ni Ivan si Anna (Bangs Garcia), kaibigan ni Mabel, dahil sa pagbabago ng itsura na ibinigay ni Anna kay Mabel. 


Matapos bumili si Mabel ng isang gamit na bag mula sa tindahan ni Anna na pagmamay-ari ni Mariela, nagsimula si Mabel na saktan ng espiritu ni Mariela na nais nang tapusin ang kanilang relasyon, ngunit ayaw siyang pakawalan ni Ivan. Pagkatapos ay pinatay ang boyfriend ni Anna at si Samantha, na interesado kay Ivan. Natatakot si Mabel na siya ang susunod na biktima, ngunit lumabas na si Mariela ay ang nawawalang kapatid ni Mabel na nagsusumikap na ipagtanggol ito laban kay Ivan.

Sa aking palagay base sa pag panood ko nito ay naging maganda ang plot twist pero hindi masyadong unique dahil marami na nga ang palabas na ang isang multo ay may magandang pakay pala. Pwede din ito sa R13 dahil hindi naman gaano nakakatakot ngunit may physical na sakitan. Kaya para saakin ang movie na ito ay 9/10. 



The Healing


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FThe_Healing_%2528film%2529&psig=AOvVaw2iqXP9T1j46eObAeK5Jvca&ust=1700485330310000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBIQjRxqFwoTCMCO1NKP0IIDFQAAAAAdAAAAABAR

Ang Palabas na ito ay nag papakita ng kakaibang kwento, may isang grupo na puro may sakit at isang babae ay may kakilala na mang gagamot, dahil na din sa nakita nilang gumaling ang tatay ng babae ay pinilit nilang dalhin sila nito sa mangagagmot. Ngunit pagka dating nila ay hindi na pumapayag na mag gamot dahil nga may sakit daw ang mangagamot at hindi iyon pwede, kaso nag pumilit ang grupo at pumayag na ang tinatawag nilang “faith healer” ngunit sa pag payag nito ay hindi nila alam na may consequence na mangyayare sakanila, isa isa sila nag pakamatay at ang pagkakasunod nito ay ang kung paano sila nauna pagalingin ng faith healer. Pagkatapos magpakamatay ng iba ay agaran silang pumunta sa faith healer upang alamin bakit nangyayare sakanila ito…


Nalaman nila na kaya nag papakamatay,nabaliw, at pumatay ang mga napagaling ay dahil pagkatapos pagalingin ng faith healer ang kanyang tatay ay may sinugod agad agad na pagalingin, ang akala nila ay ito ay hinimatay lamang ngunit inatake na pala sa puso. Kinabukasan ay namatay ang faith healer, nagkaron ng pagkakamali ang faith healer. Dahil sa labag iyon sa kanilang kautusan na “Ang patay ay hindi dapat binubuhay, dahil ang buhay na i-dinugtong doon ay babayaran ng mga buhay ng mga taong sunod nyang ginamot.” Kaya’t inalam nila kung paano mapuputol ang sumpa.

Napaka husay ng kwento 8/10 para saakin dahil hindi lamang madaling intindihin kundi ang binigay na plostwist ay hindi mo inaasahan. Ngunit ito ay R16 dahil sa mga physical na nangyayare sa palabas. 



Fridyder 


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fgravereviews.com%2F2021%2F01%2F08%2Fpridyider-2012%2F&psig=AOvVaw0jFmgC1axvRprdRlO-49ea&ust=1700484695034000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBIQjRxqFwoTCND-waON0IIDFQAAAAAdAAAAABAE 


Ang palabas na ito ay patungkol sa fridyder na kumakain o bigla bigla nalamang kumukuha ng tao. Nag simula ito ng ang mag asawa ay nanirahan sa isang bahay at nahuhuli ng babae na ang asawa ni ay may kabet, nabaliw ito at nakipag kasunduan sa demonyo hanggang sa pinapatay nya ang mga kabet nito at pinag cho-chop chop pira-piraso at nai lalagay sa fridyder.

Ilan taon na ang nakalipas, ipinadala ang kanilang anak sa ibang bansa upang manirahan kasama ang kanyang tiyahin dahil sa isang pangyayari na may kinalaman sa kanyang mga magulang. Bumalik siya sa Pilipinas sa kanilang dating tahanan, na umaasang makakamit ang isang bagong simula. Sa hindi nya inaasahan ay hindi siya nag-iisa sa bahay. Ang kusina ay tahanan ng isang demonyong fridyder na kumakain ng tao. Kailangang magbalik-tanaw ang anak sa nakaraan upang alamin ang katotohanan tungkol sa nangyari sa kanyang mga magulang, at upang mahanap ang paraan para malabanan ang mapanirang kagamitan.

Hindi ko masyadong ihihi-kayat sa mga mga bata na panoorin ito 7/10 dahil sa mga ipinapakitang laman loob ng tao (peke). Kung panonoodin man kabataan ay kinakailangan subay-bayan ng kanilang mga taga-bantay o R16.


Maira Leonora Teresa



https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Frodmagaru.com%2F2014%2F09%2Freview-spoiler-alert-review-star-cinemas-maria-leonora-teresa%2F&psig=AOvVaw2npvdIvaMaKKs3HpkG_-M1&ust=1700484547411000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBIQjRxqFwoTCPjfkd2M0IIDFQAAAAAdAAAAABAE
 

Sa pelikulang "Little Magnolia School," nag-umpisa ang kwento sa isang masalimuot na pangyayari sa nakaraan na kaugnay sa pagkamatay ng isang estudyante, na bumabalot sa seremonya ng pangangakda sa bagong gusali ng paaralan. Matapos ang isang malupit na aksidente sa field trip, tatlong nagluluksang magulang ay inaalok ng mga life-sized talking dolls ni psychiatrist upang aliwin ang kanilang lungkot. Ngunit sa halip na maging katuwaan, naging daan ang mga dolls para sa galit na espiritu. Humingi ang mga magulang ng tulong sa isang mangkukulam.

5/10 hindi ganoong nakakatakot bagamat nai-pakita at nai-bahagi nila ang kwento ng maayos; ngunit hindi ako nagkaron ng satisfaction dahil sa kwento at dahil na din sa nagkakaron ng ideya

ang mga manonood kung ano ang nangyayare at dahil na din sa huli lamang ako nagkaron ng hindi inaasahang pangyayare. 

Comments

Popular posts from this blog

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

SciFi Genre