SocMed AU?!

Ang panibagong anyo ng FanFiction—SocMed AU o "Social Media Alternate Universe"

Isinulat ni: Kyla Ababa


Nakakita ka na ba sa Facebook o sa Twitter ng isang babasahin kung saan ito ay nasa anyong text o chat, at ang mga bida roon ay fictional characters na galing sa isang libro o palabas? Kung hindi ka pamilyar doon, iyon ay tinatawag na "SocMed AU" na isinusulat ng mga tagasubaybay ng isang partikular na uri ng media na nabanggit. Ang mga ito na gawa ng mga Pilipino ay tinatawag na "Filo (pinaikling "Filipino) SocMed AU." Talagang napakatataba ng mga isip natin at nagawan pa natin ng iba pang istorya ang buhay ng isang hindi-makatotohanang karakter.

Ang ganitong klase ng babasahin—sapagkat ito ay maikli lamang at kayang-kayang tapusin sa isang upuan tulad ng maikling kwento—ang napaili kong i-feature sa blog na ito dahil ito ay sikat, partikular na sa Twitter, at isa na ako sa mga mambabasang tuwang-tuwa dito. Ayon nga sa bokabularyo ng henerasyon namin, kami ay mga "delulu" o delusional, at patunay nga naman ang SocMed AU rito upang bigyang-kilig, sakit, at iba pang mga emosyon ang mga isip naming gustong-gusto ang mga kwentong fiction.

Narito ang apat na SocMed AU na gustong-gusto ko dahil sa paraan nito ng pagkakasulat at dahil na rin sa dalang kilig nito. 

Ang inpirasyon nitong istorya ay ang sikat na sikat ngayong Japanese show at comic (o mas kilala sa tawag na "anime" at "manga")—"Jujutsu Kaisen" o JJK.


1. "He's (not) just Ken" ni @dprgeto (Twitter)
Ang kwento nito ay tungkol kay Nanami Kento na napakalambing at considerate sa kanyang kasintahan. Spoiled na spoiled kay Nanami ang kasintahan nito dahil niyang binibilhan ng kung anumang gusto o kailangan. Higit sa lahat, nakatutuwang basahin ang mga text ni Nanami na punong-puno ng pagmamahal. 

Mapapa-"sana all" ka na lang talaga kung crush mo rin ang napakapogi at napakakisig na si "Ken" sa kathang-isip na ito.

Basahin ang buong AU rito.


2. "Being Best Friends with Choso" ni @tvgeto (Twitter)
Isa pa sa mga karakter na gusto ko mula sa JJK ay si Choso. Sa katunayan, dahil sa pagbabasa ng mga SocMed AU ko siya nagustuhan. Kaya naman narito ang isa sa kanyang mga istorya kasama ang kanyang matalik na kaibigan... na matagal niya na palang gusto.

Nagtataka ang kanyang kaibigan kung bakit wala siyang (Chose) babaeng ine-entertain. Siguro ay in love pa rin ito sa dating kasintahang sampung buwan na ang nakaraan nang sila ay mag-break. Ang hindi alam ng kanyang kaibigan ay siya mismo ang hinihintay ni Choso. Hanggang sa tuluyan ng umamin ang lover boy at sinabi na rin sa kanyang kaibigan kung bakit wala siyang ibang babaeng nakakausap noon pa man.

Basahin ang buong AU rito.


3. "Your Ex, Suguru, sent you messages through The Unsent Project website" ni @tvgeto (Twitter)
Pangatlo sa listahan ang gustong-gusto ko ring "getting back together" story ni Geto Suguru at ng kanyang dating kasintahan na kanyang "right love, wrong time."

Sa usapang ito ng mag-ex, nagkumustahan sila at nalaman kung gaano kalayo na ang kanilang narating matapos ang ilang taong sila ay magkahiwalay. Engineer na si Suguru at nasa film industry naman na ang babae.

Magkakaroon pa nga ba sila ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga pagkakamali noon? Basahin ito upang malaman kung itinakda nga ba talaga silang mag-usap muli upang balikan lamang ba ang nakaraan o pati na rin ay ipagpatuloy ang nawala nila noon.

Basahin ang buong AU rito.

4. Dormmate Choso ni @zxgaki (Twitter)
Para wakasan ang blog na ito, heto naman ang pinakapaborito ko sa lahat. Napakasayang basahin nito at mayroon din itong masayang wakas.

Ito ay isang "from strangers to lovers" type of story kung saan mula sa hindi pagkilala sa isa't isa at pag-iwas ni Choso sa kanyang bagong dormmate, nabuo ang isang masayang relasyon paglipas ng panahon na sila ay magkakilala.

Sinong mag-aakala na ang dormmate mong dati ay snobber, ngayon ay kung ituring ka ay tila ka isang prinsesa.

Nakakatuwa ang AU na ito dahil makikita mo talaga ang development ng parehong karakter, at kung paano nila natuklasang naging mahalagang parte na pala sila ng buhay ng isa't isa. Muli, ang tugon para dito ay "sana all!" para sa mga taong naghahanap ng lalaking kasing maginoo ni Choso.

Basahin ang buong AU rito.

Comments

Popular posts from this blog

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

SciFi Genre