COMEDY MOVIES

 MGA PELIKULANG KOMEDYA

Isinulat Ni: Justine Sendiong


Hindi naman makakaila na tayong mga Pinoy ay lubhang mahilig sa mga pelikulang katatawanan, mapa-lokal man o internasyunal. Maging ako man ay masasabi kong lumaki akong nanonood na nang mga komedya kung kaya hanggang ngayon ay nakahiligan ko na ito. Naging bonding na din kasi ng pamilya namin ang panonood kung kaya isa sa mga paborito namin ay ang nakatatawang nga palabas lalo na kapag may mga kasama kaming mga bata sa panonood.

Tatalakayin ko sa blog na ito ang mga pelikulang katatawanan na talaga namang tumatak sa akin, maari ito ay lokal o internasyunal na palabas.


Ang litratong ito ay kuha mula sa Official Facebook page ng ABS-CBN Film Production Inc. (Start Cinema) 

GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY (2013)

     Ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay isang pelikulang katatawanan na ang direktor ay si Direk Wenn V. Deramas, na pinagbidahan ni Vice Ganda, kasama sina Maricel Soriano at Joey Marquez. Umiikot ang kwento nito sa apat na magkakapatid na quadroplets may iba-ibang sekswalidad, nagkahiwalay ang mga ito noong sila ay bata pa, napunta si Girlie (girl) at si Peter (boy) sa kanilang ama kung saan sa Amerika sila nanirahan. Samantala, si Mark (bakla) at Panying (tomboy) naman ay napunta sa pangangalaga ng kanilang ina at naiwan sa Pilipinas. Nagkakilala lamang ang magkakapatid sa kadahilanang kinailangan sumailalim sa isang liver transplant si Peter at hiniling nila na maging donor si Mark. Nung una ay hindi sila nagkasundo ngunit kalaunan ay nagka-ayos din.

Mukha mang seryoso ang takbo ng kwento ngunit kung panonoorin ito ay talaga namang napakaraming eksenang katawa-tawa. Nakakatuwa rin ang palabas na ito sapagkat talagang nakae-engganyo ito sa lahat ng edad, mula bata hanggang matanda. Napakagaling din umarte ng bida sapagkat makikita mo talaga na parang natural na lang sa kanya ang mga ginagawa ng kanyang ginaganapang karakter.



Ang litratong ito ay kuha mula sa Official Facebook page ng ABS-CBN Film Production Inc. (Start Cinema) 

PRAYBEYT BENJAMIN (2011)

      Ang pelikula namang ito ay pinagbidahan muli ni Vice Ganda, ngunit dito naman ay sina Derek Ramsay at Eddie Garcia ang kasama niya bilang pangunahing mga tauhan, ang direktor naman nito ay si Direk Wenn V. Deramas. Tungkol naman ito sa isang pamilyang militar, kung saan gusto ng lahat na ang bawat lalaki sa pamilya ay maging sundalo, ngunit sa kasamaang palad ay bumaliko ang sekswalidad ng bida, kung saan ito ay naging isang bading na hindi matanggap ng kaniyang lolo (Eddie Garcia). Itinakwil siya nito nang malamang isa siyang bading dahil tinuturing siya nitong isang kahihiyan sa kanilang pamilya. Ganunpaman ay naging maayos ang pamumuhay nilang pamilya kahit na umalis sila sa puder ng kanilang lolo. Ngunit sa hindi inaasang pangyayari ay kinidnap ng mga terorista ang kanyang lolo kasama nang ibang pang mga heneral, kung kaya kinailangan na sa bawat pamilya ay kukuha ng isang lalaki upang umanib sa militar. Dahil alam nang bida na siya lamang ang lalaking may kakayanan na sumailalim sa page-ensayo para sa militar ay siya na ang nagboluntaryo, ayaw na din kasi niyang sumabay ang tatay niya sa laban sapagkat matanda na ito. 

Hindi naging madali ang kanilang pagsasanay lalo dahil siya ay malambot pati na din ang kaniyang mga kaibigan na sumama sa kanya. Kalaunan ay nailigtas din niya ang kaniyang lolo kasama pag ng ibang heneral sa paraang alam niya at hindi sa natural na pamamaraan ng militar, nakuha niya muli ang loob ng kaniyang lolo at tinanggap na siyang muli nito kahit na ano pa man ang kaniyang sekswalidad.

Nakatutuwa talagang panoorin ang palabas na ito dahil sa bukod sa nakatutuwa ay kapupulutan din ng aral na hindi makikita ang kakayahan ng isang tao base sa sekswalidad o panlabas na anyo, lahat tayo ay may kani-kaniyang kakayahan.



Ang litratong ito ay kuha mula sa Google Image

3 IDIOTS (2009)

      Ang palabas na ito ay isang Indian Movie, na pinagbibidahan nina Rancho (Aamir Khan), Farjan (R. Madhavan), at Raju (Sharman Joshi), sa ilalim ng direktor na si Rajkumar Hirani. Labis akong natuwa sa kwento nito at kahit sa ngayon ay minsan inuulit ko pa din ito, napakarami kasi nitong mga nakatutuwang eksena na talagang tumatak sa aking isipan. 

Ang kwentong ito ay tungkol sa tatlong magkakaibigan na nagkakilala nung sila ay pumasok sa isang unibersidad sa kolehiyo. Ang pinakamatalino sa kanilang tatlo ay si Rancho, nagkakaroon sila madalas ng problema dahil sa napaka-istrikto nilang propesor. Madaming beses na bumilin kay Rancho ay propesor ngunit hindi kito iyon maamin sa kaniyang sarili dahil hindi siya naniniwala na mas may magaling pa sa kaniyang estudyante, ngunit napabilib siya ni Rancjo nang mapaanak nito ang kaniyang anak na babae kahit pa wala iting alam tungkol sa pagpapaanak, napilitan din lamang itong gawin ang bagay na iyon sapagkat hindi nila agad-agad madala ang babae sa ospital. Sa kagandahang palad ay lahat sila ay nakapagtapos kung pagkatapos ng kanilang graduation ay biglang naglaho si Rancho, at lumipas muna ang napakaraming tao bago nila ito muling nakita, sa pagkakataong iyon ay mayaman na at napaka successful na sa buhay si Rancho pero ang kanilang samahan ay walang nagbago kahit na matagal na panahon silang hindi magkita-kita.

Nakatutuwa na kahit na magkakaiba ng pinanggalingan ang tatlo ay matibay ang naging samahan ng mga ito, sa panahon kasi ngayon ay lubha nang mahirap humanap ng totoong kaibigan. Kakaiba din ang mga eksenang naganap sa palabas na ito kung kaya ay nakae-engganyo talagang panoorin ito kahit na ulit-ulitin pa.


Ang litratong ito ay kuha mula sa Google Image

FOUR SISTER AND A WEDDING (2013)

      Ang pelikulang ito ay sikat magpahanggang sa ngayon, ginanapan ito nina, Bobbie (Bea Alonzo), Teddie (Toni Gonzaga), Alex (Angel Locsin), Gabbie ( Shaina Magdayao), CJ (Enchong Dee), ang direkto nito ay si Direk Cathy-Molina Garcia

Ang kwento itong ay umiikot sa limang magkakapatid kung saan nagiisang lalaki ang kanilang bunsong si CJ. Nang malamang ikakasal na ang kanilang bunso ay muling nagtipon ang magkakapatid, dahil nga pakiramdam ng mga nakatatandang kapatid na masyadong mabilis ang pagpapakasal ng kanilang kapatid ay tumutol sila dito ngunit hindi sumang-ayon si CJ. Dahil dito ay gumawa sila nang para kung paano magkakaroon ng butas upang hindi na matuloy ang kasal. Kalaunan ay hindi naman natuloy ang kasal ni CJ sa kaniyang nobya (Angeline Quinto), kundi ang kinasal ay si Bobbie sa kaniyang fiance na ginanapang ni Sam Milby. Nagkaayos din naman ang dalawang pamilya sa dulo, ngunit hindi muna itinuloy ang kasal nila CJ.

Hanggang sa ngayon ay sikat pa din ang palabas na ito dahil sa eksenang naging malapit sa puso ng ilan, sumisikat pa din ang mga clips nito sa social media kung kaya iilan lamang ang hindi nakakaalam nito. Sikat din kasi ang mga artistang gumanap dito kung kaya patok din ito sa masa.

Comments

Popular posts from this blog

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

SciFi Genre