Mga Paborito Kong Babasahing Pambata Noon!

 Cora Cooks Pancit 


Isa ang Cora Cooks Pancit sa mga babasahing pambata na kinagisnan ko. Ang librong ito ay isinulat ni Dorina Gilmore at inilabas taong 2009. 

Una ko itong nabasa noong ako ay nasa ika-limang baitang habang nasa library ng aking paaralan noon. Habang binabasa ko ang librong ito noon, naaalala ko ang aking lola na siyang tagapag luto ng pamilya. Palagi siyang abala sa kusina araw araw lalo na tuwing may okasyon. Kahit hindi ako nahilig o nagkaro'n ng interes sa pag luluto noon, ay  palagi ko siyang sinisilip. Kagaya kay Cora, pambatang gawain lamang ang pinapayagan ng aking lola sa kusina. Dahil ayaw niyang magulo ang kanyang trabaho no'n. Tinutukoy din sa kwentong ito ang kultura ng Pilipino pag dating sa pagkain at ang ugali ng mga Pinoy pag dating sa hapag kainan. Gustong-gusto ko ring titigan ang mga ilustrasyon na gawa ni Kristi Valiant na siyang tinititigan ko nang matagal noon. 

Ang Pambihirang Sombrero
Ang kwentong Ang Pambihirang Sombrero naman ay isa sa mga librong pambata na meron ako noon. Ito ay sinulat ni Jomike Tejido na siya ring lumikha ng mga drawing! Naaliw ako sa makulay na ilustrasyon ng librong ito ngunit hindi naman gaano para sa mismong kwento. Ngunit kahit hindi ko ito palaging gustong basahin, gustong gusto ko naman itong titigan noon. At kasama ko na rin ito hanggang sa pag laki dahil naitabi pa ng aking lola ang kopya ko ng librong ito. 

Para sa mga batang mag babasa ng aklat na ito, ay tiyak na matutuwa sila sa bawak buklat ng pahina. Bukod kasi sa napaka husay na pagkaka likha ng ilustrasyon ay kakaiba rin ang kwento nito. Noong ako'y bata pa, hindi ko makalimutan ang pagkamangha sa kung paano nabuhat ng bata ang patung-patong na mga gamit sa kanyang ulo. 

Kaya kahit hindi ko ito paboritong basahin noon, paborito ko namang itong titigan. 


Charlotte's Web

Ang Charlotte's Web naman ay isa sa mga babasahin na kinailangan ko dahil requirement ito para sa aming English subject. Ginawan ko ito ng buod na kada parte dapat ipapasa sa guro ko noon. Natuwa at naiyak din ako sa kwentong ito kahit na hindi ko gaano naintindihan dahil sa wika nito. Pero, naging parte pa rin ito ng aking pagkabata dahil dito ako mas nahasang mag basa ng Ingles. Natuwa rin ako nang malaman kong meron palang live action nito na mas nakakaiyak din. 

Ang Charlotte's Web ay isa sa maraming libro na sumubok sa aking kahusayan sa pag babasa. Kaya, nais ko rin itong ibahagi sa mga kapatid ko. 

Comments

Popular posts from this blog

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

SciFi Genre