EPEKTO NG KOLONYALISMO SA MGA PILIPINO
MGA EPEKTO NG KOLONYALISMO SA MGA PILIPINO Isinulat Ni Justine Kimberly Sendiong Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ilang beses na ring nasakop ng mga dayuhan ang bansang Pilipinas. Dahil sa mahabang panahon na nasakop ang ating bansa, marami sa ating mga kaugalian ang nabago o nadagdag. Dahil na din sa madalas na natin itong ginagawa, minsan ay hindi natin napapansin na mula ito sa mga dayuhang bansa. Tatalakayin ko sa blog na ito ang mga kaugalian na sa tingin ko ay dahil sa epekto ng kolonyalismo. KAUGALIAN Ang larawang ito ay kuha mula sa Google. Tayong mga Pilipino, likas sa atin ang pagiging marespeto at magalang, lalong-lalo na sa mga nakatatanda. Isa sa pinakasikat na pamamaraan ng pagpapakita natin ng paggalang ay ang pagmamano, madalas itong ginagawa kapag babati tayo sa mga nakakatanda, tulad na lamang ng ating mga lolo at lola. Nagmamano din tayo sa tuwing makikita natin ang ating mga ninong at ninang, ginagawa din ito s tuwing uuwi galing sa trabaho o kung saan man an...