Taiwanese Restaurant

 

Taiwanese Restaurant na isinulat ni Corinne Zulueta


    1. Lugang Cafe Menu 

Lugang Café ay isang restawran na pag-aari ng Bellagio Group of Restaurants . Ang restawran ay kilala sa kanyang magara at estiladong paligid, mahusay na serbisyo, at masarap na pagkain, kaya't ito'y isang kinakailangang subukan na destinasyon para sa sinumang naghahanap ng isang kakaibang karanasan sa kainan. Sinasabing ang Lugang Cafe ang unang nagpakilala at nagpayaman ng popularidad ng xiao long bao sa Maynila. Kaya't masasabi ng iba na sila ay kilala sa pagkakaroon ng masarap at authentic na xiao long bao. 


Ang Lugang Cafe ay nagbibigay ng masasarap na pagkain na nag ra-range ng 58 php mula sa inumin hanggang sa pinaka mahal nilang pagkain na 2,688 php. Nagbibigay rin ng offer ang Lugang Cafe na promo, ito ay tinatawag nilang "Feast All You Can" ngunit ito ay limited lamang dahil sa ibinigay nilang mga petsa. 888 php ang kanilang presyo para dito at may 10% service charge pa itong kasama.


https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fwww.ryansanjuan.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F02%2Flugang-cafe-1.jpg&tbnid=HTs0VqDciZMBIM&vet=1&imgrefurl=http%3A%2F%2Fwww.ryansanjuan.com%2Fmall-of-asia-lugang-cafe%2F&docid=I6yJ9dkyAmdwDM&w=592&h=392&itg=1&hl=en-ph&source=sh%2Fx%2Fim%2Fm5%2F3&shem=uvafe2 



  1.  Wok it out 

Kung naghahanap ka ng taiwanese food at mahilig ka sa dimsum na malapit sa Rizal, ito ang restaurant na para sayo. Nag-aalok din sila ng mga noodle at mga ulam na sakto sa bulsa, pero kailangan mong maghintay ng matagal dahil maraming customer ang restaurant na ito.

Bilang isang repeat customer ng Wok it Out, nais kong magmungkahi sa inyo na ito ang mga pagkain na unang subukan ninyo, ang Dimsum Platter sa halagang Php 1000 kasama dito ang kanilang mga pinaka mabentang dimsum at sapat na para sa 5 hanggang 8 katao. Isa pa sa mga paborito kong pagkain nila ay ang Salted Egg Prawn na nagkakahalaga ng Php 238, tiyak na mag-e-extra rice ka dito at kung isa kang estudyante kagaya ko na nag hahanap ng budget meal ay pwedeng-pwede ka sa restaurant na ito dahil ang menu nila ay nag ra-range lamang sa Php 78 hanggang Php 2,888. Sila ay matatagpuan sa Taytay, Antipolo at Cainta Rizal. 


 

https://images.app.goo.gl/F7BbTf5PLgSEcEhj6 



  1.  Taiwan Kitchen 

Ang Taiwan Kitchen ay isang maliit ngunit sikat na restaurant na matatagpuan sa Legazpi Village, Makati. Ayon sa aking pagsasaliksik tungkol sa restaurant na ito, ang Chicken Chops Bento nila ay isang dapat subukan,dahil hindi lamang ito malasa may kasama rin itong kanin at gulay sa halagang Php 400. Ang bento box ay isang perfect na pagkain para sa mga naghahanap ng sulit at mabilisang kain. 
Nag-aalok din ang Taiwan Kitchen ng iba't-ibang klase ng milk tea. Ang kanilang milk tea ay gawa sa mataas na kalidad na dahon ng tsaa at mayroong iba't-ibang lasa tulad ng classic milk tea, matcha, at prutas na tea. Nakakatuwa ring malaman na lahat ng kanilang mga inumin at pagkain ay nagkakahalaga lamang mula Php 50 hanggang Php 400! Magandang halaga para sa masarap na pagkain.

https://images.app.goo.gl/2SoM1xgsgKLSuaJi8


  1. Ersao Taiwanese Restaurant

Ang pangunahing sangay ng Ersao Taiwanese Restaurant ay matatagpuan sa Quezon City, Metro Manila. Ito ay nagseserbisyo ng masarap at tunay na mga lutuing Taiwanese at orihinal na milk tea mula pa noong 2000. Nag-aalok din sila ng franchising program na makakatulong sa mga taong gustong mag negosyo, maaari din pumili ng uri ng negosyo na nais na simulan (Restaurants, Express, Beverages, Pop-out Store, at Nano Kiosk). 


https://images.app.goo.gl/QbxtHXNNJQxxf7jeA 


Comments

Popular posts from this blog

MGA PABORITONG KONG PALABAS (drama)

COMEDY MOVIES

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS