SciFi Genre

 

  1. Don’t Worry Darling


Ang palabas na Don’t Worry Darling (2022) na pinangunahan nina Harry Styles bilang Jack at Florence Pugh bilang Alice ay kabilang sa Science Fiction genre. Ito ay kwento tungkol sa mag asawa na Alice at Jack na nakatira sa isang organized na bayan na may 1950’s setting. Si Jack ay araw-araw, walang palyang umaalis para mag trabaho habang si Alice naman ay maiiwa sa kanilang bahay kasama ang marami pang kababaihan upang mag luto, mag linis ng bahay, mag shopping, mag relax, lahat ng bagay na maari nilang magawa sa loob ng bayan na ‘yon. Ngunit bawal silang lumayo at lumabas dahil sa hindi maipaliwanag na rason. Ngunit nagkaro’n si Alice ng mga pangitain na para bang glitch ito sa mundong iyon. Nag pursigi siyang malaman ang katotohanan na makikita sa dulo ng palabas. 


Habang pinapanood ko ang Don’t Worry Darling ay napapaisip na rin ako kung totoo nga ba ang mga bagay sa paligid ko. Para sa akin, maganda ang pelikulang ito kahit na mayroong ilang kontrobersya ang lumitaw. Napakagaling din na aktres ni Florence Pugh at naideliber niya nang maayos ang kanyang role lalo na sa scene kung saan may violence na naganap. 


Mairerekumenda ko ang palabas na ito para sa mga taong gusto ng Sci-Fi ngunit gusto rin na may halong thrill at mystery. 


Don’t Worry Darling trailer: https://www.youtube.com/watch?v=sSmBIIGZoGI 


  1. Interstellar 


Ang Interstellar ay palabas na inirekumenda ng isang kaibigan ko sa’kin. Nirelease ito taong 2014 at ginampanan nina Matthew McConaughey, Anne Hathaway, Jessica Chastain, at ng marami pang magagaling na aktor at aktres. 


Ang kwento ng palabas na ito ay umiikot sa mga astronaut at scientists na nag hahanap ng bagong planetang matitirahan dahil hindi na magandang tirahan ng mundong ginagalawan nila. Mabagal ang mga unang minuto ng palabas na ito. Dapat ding tutok ka sa palabas para maintindihan mo ang daloy ng kwento. No’ng pinanood ko ito, maraming beses akong tumigil dahil “boring” ito para sa’kin. Ngunit nung nasa bandang kalagitnaan na ay halos hindi na ako umalis sa kinauupuan ko at parang nabitin pa ako sa halos tatlong oras na running time nito. Nakakabighani rin ang visuals at kulay ng palabas na ito. Halos maiyak pa nga ako sa ibang parte ng palabas. 


Irerekumenda ko ang palabas na ito para sa mga taong maraming oras at ayos lang na mabagal ang takbo ng pelikula. Kung gusto mo rin ng palabas na mapapaisip ka, dapat mong panoorin ang Interstellar.  


Interstellar trailer: https://www.youtube.com/watch?reload=9&v=zSWdZVtXT7E 

  1. Immanuel 


Ang Immanuel ay isang Filipino short film sa direksyon ni Gio Puyat kasama ang magagaling na aktor na sina Ping Medina, Meryl Soriano, Charley Magalit at Mike Coroza. Umiikot ang kwento ng paikling pelikula na ito sa Pilipinas kung saan ang bansa ay kinukulang na sa oxygen. Imbis na para sa pera, ang mga trabahador ay nag tatrabaho para sa cube na nag sisilbing oxygen na inilalagay sa isang aparato. Sa kasamaang palad, nanakawan ang karakter ni Meryl habang mag isa siya sa kanilang tahanan. At ang karakter naman ni Ping ay nasisante sa trabaho dahil sa pag nanakaw. 


Napakagandang ideya ng maikling palabas na ito lalo na at inilagay ito sa setting ng Pilipinas. Marami ring simbolismo ang ipinakita katulad ng pag gawa mo ng mabuti sa kapwa ngunit gagantihan ka pa ng masama. Habang pinapanood ko ang palabas ay napaisip ako kung  paano nalang kung talagang mangyari ito sa bansa lalo na sa gobyernong mayroon tayo. 


Immanuel (Short Film): https://www.youtube.com/watch?v=9AyDZ2CGQe8


Comments

Popular posts from this blog

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA