KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

 Isinulat ni: Eunice Lou Mercado

1. Kko Kko

Ang Kko Kko ay kilala sa kanilang Korean-style fried chicken at iba't ibang Korean dishes. Ang kanilang fried chicken ay laging crispy at malasa, at maaaring mapili ang iba't ibang flavors tulad ng Original, Honey Garlic, at Snow Cheese. Bukod dito, may iba't ibang main courses at side dishes din na naka-base sa Korean cuisine. Ang presyo para sa isang order ng fried chicken ay maaaring mag-umpisa sa mga PHP 200 hanggang PHP 400 depende sa klase ng pagkain.

Ang larawang ito ay nanggaling sa Out of Office PH ng Taste Buds, Buldak at Kko Kko: Home of Seoul Chicken. Tignan ang buong larawan dito.



2. Samgyupsalamat

Kung ikaw ay naghahanap ng murang buffet-style samgyeopsal restaurant. May kasamang unlimited side dishes tulad ng kimchi, pickled radish, at iba't ibang sauces. Ang ambiance nito ay nagbibigay ng Korean dining experience. Ang presyo bawat tao ay maaaring mag-umpisa sa mga PHP 400 hanggang PHP 600, depende sa branch at oras ng araw.

Ang larawang ito ay nanggaling sa Tripadvisor. Tignan ang buong larawan dito.



3. Bonchon

Kilala sa Korean-style fried chicken at iba't ibang Korean-inspired dishes. Bukod sa kanilang signature dishes, nag-aalok din sila ng iba't ibang Korean-inspired meals tulad ng bulgogi rice bowls at bibimbap. Ang Bonchon ay nagbibigay ng modernong twist sa tradisyonal na Korean flavors. Ang presyo para sa isang order ng fried chicken meal ay maaaring mag-umpisa sa mga PHP 200 pataas.

Ang larawang ito ay nanggaling sa Bonchon. Tignan ang buong larawan dito.



4. Mr. DakGalbi

Kilala sa grilled spicy chicken at iba't ibang Korean dishes. Ang Dak Galbi ay isang lutuing pina-spice up ng maanghang na gochujang sauce. Kasama sa lutuin ang karne, gulay, at kung minsan, noodles. Ito ay isang masarap at nakakabusog na karanasan para sa mga naghahanap ng maanghang na lasa. Ang presyo para sa isang order ng Dak Galbi ay maaaring mag-umpisa sa mga PHP 300 hanggang PHP 500 depende sa klase ng karne at sukat ng serving.

Ang larawang ito ay nanggaling sa YouTube ng TravelFoodTech. Tignan ang buong larawan dito.



5. Masil Korean Charcoal Grill

Korean barbecue restaurant kung saan maaaring i-grill ang karne sa mesa. Ang Masil ay kilala sa kanilang authentic Korean charcoal grilling experience. Ang kanilang menu ay may iba't ibang klase ng karne tulad ng bulgogi at samgyeopsal. May kasamang side dishes at sauces para sa mas masarap na experience (ano tagalog huhu). Ang presyo bawat tao ay maaaring mag-umpisa sa mga PHP 400 hanggang PHP 800 depende sa klase ng karne at inclusions.



Ang larawang ito ay nanggaling sa Booky. Tignan ang buong larawan dito.




Comments

Popular posts from this blog

PANGALAWANG LINGGO - MEDIA

SciFi Genre