KAINANG PINOY
MGA PAGKAING PINOY
Isinulat Ni: Justine Sendiong
Ang litratong ito ay kuha lamang mula sa Google .Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na pagdating sa pagkain ay hindi magpapahuli ang mga Pilipino. Sa sobrang pagkawili natin sa pagtikim ng iba't-ibang putahe ay talaga namang dinadayo pa natin ang mga pagkain na popular sa iba't-ibang parte sa bansa. Dahil na din sa pagkahilig natin sa pagkain ay naging dahilan ito upang maging negosyo ito ng mga Pilipino, ang iba pa nga talagang nakilala at naging sikat sa buong bansa ang kainan.
Dahil na din labis na masasarap at kakaiba ang putahe nang mga Pinoy ay maging ang mga dayuhan ay ninanais na matikman ang bawat pagkain na matatagpuan sa Pilipinas.
Karinderya
Unahin na natin ang karinderya na talamak sa Pilipinas, isa itong simpleng kainan na kahit na madalas ay isa lamang maliit na pwesto na mayroong mga lamesa at upuan para sa nga nais kumain doon. Sikat ang karinderya sa Pilipinas sapagkat dito makabibili ng mga putaheng kadalasang lutong bahay kung tawagin, katulad nang Sinigang, Adobo, kare-kare, at marami pang iba. Maaari na ring makabili ng softdrinks sa mga karinderya para sa mga taong hindi mapawi ang uhaw sa pamamagitan ng tubig lamang. Mayroong ding tindang meryenda na swak din sa panlasa ng mga Pinoy, tulad ng sopas, champorado, ginataang bilo-bilo, pansit, minatamisang saging, lugaw, at marami pang iba.
Hindi rin naman mahirap hanapin ang Karinderya sapagkat napakarami ng mga ito sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas. Patok din ang mga karinderya para sa mga estudyante sapagkat abot kaya lamang ang presyo nito ngunit talagang nakabubusog ang mga pagkain na mayroon dito.
Kamayan
Naging parte na ng kulturang Pilipino ang pagkain nang naka-kamay, simula pa sa ating mga ninuno maging sa ngayon ay mayroon pa ding pagkakataon na ginagawa ito ng karamihan, madalas makikira itong ginagawa sa isang "buddle fight".
Ang "Kamayan" ay isang uri ng kainan sa Pilipinas kung saan ang mga kostumer ay kumakain nang kamay lamang ang gamit, kung minsan pa nga ay ang ginagamit na plato ay dahon ng saging. Ang karaniwang pagkain sa kamayan ay mga inihaw, tulad ng BBQ, pusit, isda, liempo, at iba't-ibang uri ng sea food. Kung panghimagas naman ang pag-uusapan ay mayroon ding silang halo-halo, leche flan, mais con yelo, at marami pang iba.
Makikita ang Kamayan sa Antipolo, Rizal, at kahit pa nga maliit lamang ang pwesto nito ay talaga namang dinadayo ito ng mga tao kung kaya minsan ay nagkakaubusan pa nga ng puwesto ang mga kustomer.
Goldilocks
Kung bakeshop naman ang pag-uusapan ay hindi rin papahuli ang Pilipinas, mayroon ding bakeshop na Pilipino ang nagtayo, ito ay ang Goldilocks na ang dating pangalan ay "Pasong Tamo". Ito ay isang uri ng tindahan kung saan ang pangunahing paninda ay mga cake na may iba't-ibang flavor na swak na swak sa panlasa ng mga Pinoy, tulad ng chocolate, mocha, caramel, at iba pa. Sa ngayon ay nagbebenta na din sila ng iba't-ibang uri ng pastries tulad ng polvoron, brazo de mercedes, ensaimada, cake sliced, at madami lang iba.
Naging tradisyon na din ng mga Pilipino ang maghanda ng cake tuwing merong mga okasyon, maliit man o malaki, tulad na lamang ng mga birthdays, graduation, outing, at tuwing holidays.
Comments
Post a Comment