UNANG LINGGO - PAGKAIN

JAPANESE RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS

Isinulat ni: Kyla Ababa

1. TAKO TAKO QUEEN - Antipolo Bayan

Sa dami-raming nagbebenta ng takoyaki rito sa Rizal—sa bawat bayan yata ay mayroon kang makikita—ang Tako Tako Queen ang dahilan kung bakit nagsimula akong mahilig sa takoyaki mula sa pagkaayaw rito.

Mayroon nito dati, ang Tako Tako Queen, sa labas ng All Day sa Maia Alta, Gardens, Antipolo. May maliit silang tindahan doon kahelera ng mga iba pang nagbebenta ng pagkain. Hapon ang bukas nila hanggang gabi, at sa tuwing umuuwi ako galing sa bahay ng aking kasintahan, palagi kong iniisip na daanan ito.

Sa ngayon, napalitan ang pwesto nila ng ibang nagbebenta ng parehong produkto, ngunit ang Tako Tako Queen pa rin ang hanap ko.

Mayroon silang branch sa Antipolo Bayan na madaling lamang puntahan kung manggagaling dito sa aming eskwelahan. Kung hindi naman nais na ikaw mismo ang bumili roon, maaari kang um-order sa Grab Food kung saan ide-deliver na lang sa mismong bahay ninyo ang in-order mo. Less hassle kung ganoon, lalo na kung nasa loob ka lamang ng bahay at wala ka namang pupuntahan na daraanan ang Bayan.

Paborito ko ang flavor nilang bacon and cheese samantalang mahilig ako sa cheese. Masarap din ang kanilang crab and corn.

Tignan ang kanilang FB Page para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kanilang Antipolo branch: Tako Tako Queen - Antipolo, Tako Tako Queen Menu

Address: 11 A. Masangkay St. Antipolo, Rizal

Ang larawang ito ay nanggaling sa FB Page ng Tako Tako Queen Takoyaki - Antipolo

Tignan ang buong larawan dito.



2. MARUGAME Udon & Tempura - Robinsons Antipolo

Sa ground floor ng Robinson's Place Antipolo, matatagpuan ang Japanese restaurant na Marugame na nag-o-offer ng variety ng pagkaing Japanese tulad ng rice bowls, udon, at onigiri. Madalas kaming nandito ng aking kasintahan dahil, ayon nga sa Gen-Z, palagi akong nagke-"crave" para dito.

Paborito ko ang curry rice bowl nila, pati na rin ang curry udon. Depende na lang kung gusto ko ba ng kanin o noodles pati sabaw sa araw na napagdesisyunan naming doon kumain. Isa pa ang kanilang spam musubi na may "perfect match" na sauce sa kanin at spam. Pati na rin ang kapatid ko at kanyang asawa na minsan ay dinalhan ko nito pag-uwi galing Antipolo, nagustuhan din nila ulit.

10/10 ang rating ng Marugame para sa amin pagdating pa lamang sa lasa, at idagdag mo pa ang marami nilang serving na pwedeng pagsaluhan ng dalawang tao. Masasabi mo talagang generous sila sa kanilang serving, at hindi tinipid ang iyong bayad.

Tignan ang kanilang FB Page para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kanilang restaurant: Marugame Philippines FB, Marugame Menu

Address: Ang Marugame Udon & Tempura Antipolo Branch ay matatagpuan sa ground floor ng Robinsons Anipolo sa Sumulong Highway, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo, Rizal.

Ang larawang ito ay nanggaling sa Google Maps

Tignan ang buong larawan dito.



3. Tokyo Tokyo - Victory Mall Antipolo
Bago mag-pandemic, naaalala ko noon na madalas kaming lumabas ng mga ate ko para mag-"shopping," at pagkatapos no'n ay syempre, kakain kami. Isa ang Tokyo-Tokyo sa maraming kainan na pinupuntahan namin dahil ang pagkaing sine-serve nila rito ay gustong-gusto ng isa kong kapatid. Ngayon, kami ng aking kasintahan minsanang pumupunta rito dahil, 'di tulad sa akin, ito ang kanyang minsang "cravings."

Ang madalas naming kinukuha ay ang bento box na para na sa dalawang tao—may dalawang klase ng ulam ito, dalawang serving ng rice, ngunit isa lamang na serving ng mixed vegetables (ayos lang dahil hindi naman ako masyadong kumakain ng gulay). Kumukuha rin kami ng ramen dahil isa pa ito sa mga paborito naming pagkain at nilalagyan pa namin ito ng chili oil na hiningi namin kaya't nagiging mas maanghang talaga ang ramen namin.

Isa pang classic sa kanila ay ang kanilang coffee jelly na nasa maliit na cup. Masarap ito, at nostalgic para sa akin noong natikman ko ito muli noong huling kumain kami sa Tokyo Tokyo. Kung take-out naman ang pag-uusapan, ang kanilang Dragon Maki ang madalas naming binibili noon. Masarap ito sapagkat malasa, at tamang-tama lamang ang proportion ng kanin nito sa hipon na nasa loob, pati na rin ang seasonings na nilagay sa pagkakagawa. Hindi ko na lamang nga ito nakikita sa ngayon kaya't nagtataka ako kung mayroon pa ba sila nito.

Katulad din sa mga naunang nabanggit na kainan, available din ang Tokyo Tokyo sa FoodPanda at GrabFood, ang nangungunang food tranport services na pinagkakatiwaalan natin, upang hindi na tayo mag-abala pang pumunta sa restaurant.

Tignan ang kanilang FB Page para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kanilang restaurant: Tokyo Tokyo Philippines, Tokyo Tokyo Menu

Address: Ang Tokyo Tokyo Victory Park and Shop Branch ay matatagpuan sa second floor ng mall sa P. Oliveros Street, Antipolo, Rizal.

Ang larawang ito ay nanggaling sa Google Maps

Tignan ang buong larawan dito.



4. IPPUDON - SM Megamall
Panghuli sa aking listahan ng mga Japanese resturant ay ang Ippudo kung saan isang beses ko pa lamang itong nasubukan ngunit sa unang pagkakataon na iyon ay nais ko nang bumalik kasama naman ang aking kasintahan.

Dito kami kumain matapos namin bumili ng mga damit ng ate ko para sa isang event na pupuntahan namin. Noong pagkakataong iyon, sinabi kong "parang gusto ko ng ramen..." at ni-recommend ng ate kong doon kami pumunta. At hindi ako nagsising hindi ko na iyon tinanggihan dahil sobrang nagustuhan ko ang aking in-order. Malasa ang sabaw nito, parang authentic na ramen, at chewy ang noodles—iyong tamang luto lang, hindi kinulang sa pagpapakulo at hindi rin nasobrahan. Masasabi kong sulit ang experience na ito sa presyo nitong medyo mataas kumpara sa ibang ramen places na dinarayo ng mga tao.

Maraming tao rin ang nagsasabing nagustuhan nila ang sine-serve na ramen ng Ippudon, at pareho sa akin ang mga bagay na kanilang nagustuhan. Panoorin ang reel na ito para sa isang review: FoodieMommaPH - Ippudo

Ang disenyo rin ng kanilang restaurant ay parang ramen place talaga sa Japan. May mga lamesa roong pwedeng pagpwestuhan ng mga tao kahit hindi sila magkakilala. Dagdag pa rito ang mga server nila na babatiin ka ng, "irasshaimase!" na puno ng sigla kaya't mararamdaman mo talaga na welcome ka rito.

Tignan ang kanilang FB Page para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa kanilang restaurant: Ippudo Philippines, MENUPHL - Ippudo
Address: Ang Ippudo SM Megamall Branch ay matatagpuan sa third floor ng mall sa Mega D, SM Megamall EDSA, Corner Doña Julia Vargas Ave, Mandaluyong, Metro Manila.

Ang larawang ito ay nanggaling sa Wikimedia Commons

Tignan ang buong larawan dito.

Comments

Popular posts from this blog

MGA PABORITONG KONG PALABAS (drama)

COMEDY MOVIES

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS