American Restaurant

 

Sky Garden Steakhouse


https://www.google.com/url?q=https://www.google.com/url?q%3Dhttps://www.tripadvisor.com.ph/Restaurant_Review-g298453-d12450494-Reviews-Sky_Garden_Steak_House-Pasig_Metro_Manila_Luzon.html%2523photos;aggregationId%253D101%2526albumid%253D101%2526filter%253D7%2526ff%253D411348170%26amp;sa%3DD%26amp;source%3Deditors%26amp;ust%3D1699687275139952%26amp;usg%3DAOvVaw39RD-j1U7_8kj0dqyGEWQt&sa=D&source=docs&ust=1699687275159652&usg=AOvVaw0kSBV5FaagH29mW2fYFsX- 


Kung nais mong makaranas ng luxurious dinner, ang Sky Garden Steakhouse ay nababagay sa’yo! Matatagpuan ito sa Kapitolyo, Pasig. Ito ay isang American steakhouse na mayroong 5 star review sa Tripadvisor.com. Sa kanilang website, mayroon silang recommended menu na maaring pag pilian. Ito ay ang mga sumusunod:

Shrimp and Curry - PHP220.00. 

Grilled Sausage - PHP 750.00

Grilled Pork Chop - PHP 750.00

USDA Rib Eye Steak - PHP1,950.00

PorterHouse Steak - PHP 2,950.00


Pancake House


https://www.google.com/url?q=https://www.google.com/url?q%3Dhttps://www.tripadvisor.com/Restaurant_Review-g298450-d9697364-Reviews-Pancake_House-Makati_Metro_Manila_Luzon.html%26amp;sa%3DD%26amp;source%3Deditors%26amp;ust%3D1699687891416643%26amp;usg%3DAOvVaw35CCrgsJ89jMUwM1TMStuF&sa=D&source=docs&ust=1699687891448460&usg=AOvVaw2UKBF57tnFijl5plDHtRrk


Sino ang tatanggi sa malambot, mainit-init, at masarap balik-balikan na pancake? Ang Pancake House ay isa sa mga naging paborito ng mga Pilipino sa loob ng maraming taon mula 1970s. Ang pancake ay karaniwang kinakain ng mga Americans tuwing umagahan. Minsan itong pinapares sa bacon, itlog, at kape. 

Noon, ang Pancake house ay mayroong pancakes at waffles. Ngayon, pinalawak nila ito at nag dagdag na rin ng mga karaniwang Pinoy breakfast food katulad ng Beef Tapa at at Daing na Bangus. Mayroon din silang pasta, chicken, spaghetti, burgers at sandwiches. Makikita ang pancake house sa mga mall katulad ng Ayala Malls Feliz, Ayala Pasig, at iba pa. 

Ang presyo ng kanilang pagkain ay nagkakahalaga ng PHP 29.00 - PHP 439.00

*Ang Pancake house branch na ito ay matatagpuan sa Rockwell Drive G/F Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati. At narito ang kanilang full menu at prices.



Filling Station Bar And Cafe

https://www.zoytotheworld.com/blog/filling-station-bar-cafe-poblacion-makati-city 

https://www.facebook.com/fillingstationmakati/menu 

Kung nais mo namang bumalik sa nakaraan sa pinaka makulay at nakakabusog na paraan, ang Filing Ststion Bar and Cafe ang bagay para sa’yo! Matatagpuan ito sa Poblacion, Makati. Ang tema ng Bar/Cafe ay 50s American diner! Bukod pa rito, marami ring review na nag sasabing masarap ang kanilang mga inumin para sa presyo nito. 

Mayroon silang burgers, milkshake, pancake, waffles, salad, alcoholic drinks, wine, at marami pa! Nagkakahalaga ang kanilang pagkain mula PHP 150.00 - PHP 700.00. Sa PHP 700.00, mayroon ka ng full American breakfast!

Kenny Rogers

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=731021855732504&set=pb.100064740878809.-2207520000&type=3

Kung nais mo namang makatikim ng ribs at roasted chicken sa pinaka mura ngunit sulit na halaga, maaasahan mo ang Kenny Rogers! Ito ay isang American chicken-based restaurant na unang pag mamay-ari ni Kenny Rogers, isang sikat na mangaawit sa America at ni KFC CEO John Y. Brown Jr. Ngayon, ito ay pinamumunuan na ng Berjaya Group Berhad kaya naman pinalawak nila ang menu nito na ngayon ay mayroon ng pita wraps at ilang Filipino dish. 

Ang kanilang Rib plates ay nag kakahalaga ng PHP 485.00 - PHP 530.00. 

Meron din silang roasted chicken na nagkakahalaga ng PHP 295.00 - PHP 500.00. Ito ay may kasama ng side dishes at kanin. Ang kanilang serving ay malalaki at talagang nakakabusog! 

Ang Kenny Rogers ay kalat mula Luzon hanggang Mindanao. Maari ring magpadeliver sa Grab at Food Panda.





Comments

Popular posts from this blog

MGA PABORITONG KONG PALABAS (drama)

COMEDY MOVIES

KOREAN RESTAURANTS DITO SA PILIPINAS